-- ADVERTISEMENT --

Dinipensa ni House Majority Leader Sandro Marcos ang Palasyo at iginiit na hindi nakialam ang Malakanyang sa nangyaring pagpalit ng liderato sa kamara.

Hindi rin hiningi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na magbitiw si dating speaker Martin Romualdez sa kaniyang pwesto.

Sa isang panayam, sinabi Rep. Marcos na boluntaryong nag-alok si Leyte Representative Martin Romualdez na magbitiw bilang Speaker ng Kamara upang ilayo ang institusyon sa mga alegasyon na sangkot siya sa anomalya sa mga flood control projects ng gobyerno, ayon kay House Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos nitong Miyerkules.

Aniya, hindi nakialam ang Palasyo sa desisyon ni dating speaker martin Romualdez na magbitiw sa pwesto.

Binigyang-diin din nito na hindi nawalan ng tiwala ang mga miyembro ng Kamara kay Romualdez dahil sa kontrobersya sa katunayan hawak niya ang numero ng speakership.

-- ADVERTISEMENT --

Ani Marcos, nang umatras si Romualdez bilang Speaker, nagsagawa ng konsultasyon ang mga miyembro ng majority coalition kung sino ang magiging kapalit, at lumutang bilang pinili si Isabela Representative Faustino “Bojie” Dy.

Ang majority coalition sa Kamara ay binubuo ng Lakas-CMD na pinamumunuan ni Romualdez, National Unity Party, Nacionalista Party, Nationalist Peoples Coalition, at Party-list Coalition Foundation Inc.