-- ADVERTISEMENT --

Walang sama ng loob ang namamagitan kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at dating house speaker Martin Romualdez.

Itoy matapos boluntaryong bumaba at nagbitiw sa pwesto si Romualdez upang ilayo ang institusyon sa mga alegasyon na sangkot siya sa anomalya sa mga flood control projects ng gobyerno.

Ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos maayos ang relasyon nina Pangulong Marcos at dating Speaker Romualdez.

Nang tanungin kung kumusta ang sitwasyon ng magkaharap sina Pangulong Marcos at Rep. Romualdez tugon nito okay naman.

Ayon kay Rep. Marcos nirerespeto ng Pangulo ang desisyon ni Romualdez na magbitiw sa pwesto.

-- ADVERTISEMENT --