-- ADVERTISEMENT --

Pumanaw na si dating Philippine Basketball Association (PBA) player at coach na si Jimmy Mariano sa edad na 84.

Inanunsiyo ito ng PBA kung saan nagbigay pa sila ng maikling pagdarasal.

Hindi naman na binanggit ang dahilan ng kaniyang kamatayan.

Naglaro sa iba’t-ibang koponan si Mariano mula Carrier, Seven-Up at Filmanbank.

Mayroong average ito ng 14.4 points per game sa kaniyang pro career na ipinakita ang lakas sa opensiba.

-- ADVERTISEMENT --

Matapos ang kaniyang pagreretiro ay naging coach ito ng Presto na dinala niya sa kampeonato noong 1990 All-Filipino conference.