-- ADVERTISEMENT --

Binatikos ni House Spokesperson Atty. Princess Abante si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na wala umanong basehan at gawa-gawang lamang upang linlangin ang publiko kaugnay ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sinabi ni Abante na ironic ang pag-akusa ng alkalde kay Speaker Romualdez dahil mismong ang mga Duterte ang matagal nang tumatangging isapubliko ang kanilang mga SALN.

Ipinunto rin niya na ang SALN ni Speaker Romualdez ay regular na isinusumite alinsunod sa batas at dumadaan sa tamang proseso, at kung nais umano ng mga Duterte ng tunay na pananagutan, dapat nilang simulan sa pagbubukas ng kanilang sariling mga SALN sa publiko.

Lumabas ang pahayag ng Kamara matapos akusahan ni Davao City Mayor Baste Duterte na biglang tumaas ang yaman ni Romualdez mula P200 milyon noong 2022 hanggang P3 bilyon noong 2025, at nanawagan pa sa House Committee on Appropriations na magsagawa ng imbestigasyon.

Tinawag ni Abante ang mga pahayag na ito bilang pabigla-biglang banat na walang batayan, at binigyang-diin na ang ganitong asal ay tugma sa matagal nang taktika ng pamilya Duterte na gumamit ng akusasyon at maling impormasyon para pagtakpan ang kanilang sariling kakulangan sa transparency.

-- ADVERTISEMENT --