-- ADVERTISEMENT --

Nagsampa ng patung-patong na mga kaso ang National Bureau of Investigation laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasama pati ang kanyang pamilya.

Ayon sa kawanihan, isinampa ang magkakahiwalay na kaso laban sa mga ito kaugnay sa kanilang mga negosyo at nabiling mga ari-arian sa Marilao, Bulacan.

Batay sa imbestigasyon ng NBI, napag-alamang sina Alice at pamilya Guo ay mga ‘incorporators’ ng ilang kumpanyang Meat Shop, Slaughter House, at iba pa sa Bulacan.

Ang address o lugar anila ng mga negosyong ito ay nabili ni Alice Guo noong 2010 sa halagang 2-milyon Piso na may lawak na 4,636 square meters.

Dagdag pa rito’y ibinahagi din ng kawanihan ang pagkakadiskubre na idineklara nina Alice Guo, Shiela at Siemen ang kanilang mga sarili bilang mga Pilipino sa ‘Articles of Incorporation’ ng mga kumpanyang nabanggit.

-- ADVERTISEMENT --

Kung kaya’t isinampa laban sa kanila ang 30 bilang na kasong may kinalaman sa Falsification of Public Documents, at 30 counts din sa kasong Simulation of Minimum Capital Stock.

Habang 4 na bilang naman para sa kasong Falsification pf Public Documents for falsifying applications for Bussiness, Occupancy, and Building Permits.

Bukod pa rito’y, si Guo Hua Ping ay nahaharap din sa karagdagang 6 counts na kasong Falsification of Public Documents dahil sa pamemeke nito sa Deed of Sale at Documentary Stamp kaugnay sa nabiling ari-arian.