-- ADVERTISEMENT --

Muling isinugod sa ospital si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) matapos makaranas ng hirap sa paghinga.

Ayon sa pahayag ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson JSUPT. Jayrex Bustinera, mabilis na tinugunan ng kanilang mga tauhan ang kalagayan ni Quiboloy, lalo’t dati na itong may dinaramdam.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng BJMP si Quiboloy kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanya, kabilang ang human trafficking at sexual abuse.

Tiniyak ng BJMP na patuloy na mino-monitor ang kanyang kalagayan upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng pastor habang nasa ilalim ng pangangalaga ng gobyerno.


Binigyang-diin ni Bustinera na walang ibinibigay na espesyal na trato kay Quiboloy sa loob ng pasilidad, at ang lahat ng hakbang ay alinsunod sa standard medical protocols ng BJMP.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang una nang isinugod sa ospital si Quiboloy ilang buwan na ang nakalilipas dahil sa mga iniindang karamdaman.