-- ADVERTISEMENT --

Pinagaaralan na ngayon ng Pasig City Police ang pagsasampa ng reklamo at kaso laban sa mga progresibong grupong nagsagawa ng kilos protesta sa St. Gerrard Construction Compound na pagmamayari ng mga Discaya dahil sa kawalan ng sapat na permit.

Ito ay matapos na agresibong binato ng putik at vinandalized ng mga raliyistang ito ang mga gate at pader ng naturang gusali.

Ayon kay Pasig City Police Chief PCol. Hendrix Mangaldan, dahil sa kawalan ng permit ay nakikitang isang paglabag ito sa Batas Pambansa 880 o mas kilala bilang Public Assembly Act of 1985.

Kasunod naman nito mas paiigtingin ng pulisya ang kanilang maximum tolerance bilang bahagi na rin ng kanilang mandato na respetuhin ang mga karapatan ng mga grupong ito na makapagpahayag ng kanilang mga saloobin sa loob ng isang demomratikong bansa.

Tiniyak naman ni Mangaldan na magpapatupad din ng sapat na deployment ang Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda na rin sa mga posible pang susunod na mga protesta na isasagawa sa bahaging ito ng Pasig.

-- ADVERTISEMENT --

Nakahanda din aniya ang kanilang hanay na harapin ang mga ganitong challenges at eventualities.

Samantala, sumasailalim pa sa deliberasyon at kasalukuyan nang inaayos ang mga dokumento para sa reklamong kahaharapin ng nga raliyista at maging ng organizer nito.