-- ADVERTISEMENT --

Ipinahayag ng Partido Liberal ng Pilipinas (LP) ang bagong mga opisyal nito sa kanilang National Executive Council and Officers (NECO) meeting noong Biyernes.

Kung saan si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ay itinalaga bilang party chair emeritus, at sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya ang layunin ng LP bilang isang anti-political dynasty, anti-authoritarian, at pro-democracy party.

Binanggit din ni Pangilinan ang mga darating na halalan, partikular na ang 2028 elections, kung saan naniniwala siyang may kakayahan ang LP na magtagumpay sa pamamagitan ng malawak na koalisyon at pagkakaisa ng mga miyembro.

Sa kabilang banda si Rep. Leila de Lima ng Mamayang Liberal Party-List ay naitalaga bilang party chairperson, katuwang si Erin Tañada, na isang human rights lawyer, bilang party president.

Ibinoto rin si Albay Rep. Krisel Lagman bilang party executive vice president, kasama si Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali bilang party treasurer, at si former Quezon City Rep. Kit Belmonte bilang party secretary-general.

-- ADVERTISEMENT --

Ani Pangilinan, mahalaga ang papel ng LP sa paglaban sa authoritarianism at ang kanilang dedikasyon sa pagpapalaganap ng kalayaan at demokrasya.