-- ADVERTISEMENT --

Tumanggi si dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na magbigay ng pahayag hinggil sa mga alegasyon ng nagbitiw na si Ako Bicol Rep. Elizaldy Co.

Iginiit niyang ang mga naturang pahayag ay hindi ginawa sa ilalim ng panunumpa at walang bigat sa hukuman.

Sinabi ni Romualdez na tiwala siya sa Independent Commision for Infrastructure (ICI), Department of Justice (DOJ), at Office of the Ombudsman na susuri sa lahat ng pahayag, batay lamang sa ebidensya.

“Malinis ang aking konsensya. Handa akong makipagtulungan sa anumang legal na proseso, at naniniwala akong lalabas ang katotohanan sa tamang mga institusyon,” wika ni Romualdez.

Una rito, sinabi ni Co na sina Pangulong ferdinand Marcos Jr. at Romualdez ang nag-utos sa kaniya para iproseso ang budget insertions na umaabot sa P100 billion.

-- ADVERTISEMENT --

Sa panig naman ni Pangulong Marcos, ganito ang kaniyang naging tugon: “I don’t want to even dignify what he was saying.”