-- ADVERTISEMENT --
Nag-alala ang mga netizen nang mapansin nilang binura ni Paola Huyong ang mga engagement photos nila ng fiancé niyang si Ryan Bang.
Marami ang nagtaka kung bakit bigla na lamang tinanggal ni Paola Huyong ang engagement album sa kanyang social media account.
Bukod pa rito, may isang litrato si Paola na ipinost kung saan kapansin-pansing wala na siyang suot na engagement ring.
Lalong uminit ang usap-usapan tungkol sa umano’y hiwalayan ng dalawa matapos lumabas kamakailan ang isang blind item tungkol sa isang engaged couple na naudlot ang kasal.
Dahil dito, marami ang nagspekula na sina Paola at Ryan ang tinutukoy sa naturang blind item.
-- ADVERTISEMENT --