-- ADVERTISEMENT --

Naghain sina Senator Loren Legarda at Sen. Raffy Tulfo ng panukalang batas sa tuluyang pagbabawal ng online gambling sa bansa.

Ang nasabing panukala ay kasunod ng dumaraming panawagan dahil sa negatibong epekto nito sa komunidad.

Sinabi ni Sen.Legarda na ang kaniyang inihain ay sumasakop sa lahat ng uri ng online gambling tulad ng online casinos, e-sabong, digital lotteries, virtual slots at sports betting.

Kaya niya inihain ang panukalang batas dahil sa madali na itong ma-access ng sinuman kung saan marami na ang naging adik sa sugal at nakakasira sa kanilang pamumuhay.

May multa ang mga kumpanya na lalabag mula P500,000 hanggang isang milyong piso.

-- ADVERTISEMENT --

Sa panig ni Sen. Tulfo na marapat na ipagbawal ang lahat ng uri ng online gambling.

Ito na rin ang pangatlong priority bill na inihain ni Tulfo para sa 20th Congress na ang una ay ang libreng tulong medical sa mga seniors, anti-ayuda abuse, barangay CCTV surveilance act ang strictong gabay sa mga delayed birth certificates.