-- ADVERTISEMENT --

Asahan ang panibagong taas presyo sa mga produktong langis sa susunod na linggo.

Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na maaaring tumaas ng hanggang P0.70 sa kada litro ang gasolina.

Habang ang diesel ay aabot sa P0.35 ang pagtaas sa kada litro at ang kerosene ay mayroong pagtaas ng hanggang P0.65 kada litro.

Sinabi ni Oil Industry Management Bureau ng DOE Director Rodela Romero, na ang sanhi pa rin ng pagtaas ng presyo ng mga produktong langis ay dahil sa patuloy na tensiyon sa pagita ng Russia at Ukraine ganun din sa Israel at Gaza.