-- ADVERTISEMENT --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.
Mayroong P4.31 ang pagtaas sa kada litro ng diesel habang mayroong P5.68 naman ang itinaas sa kada litro ng gasolina.
Samantala sa kerosene ay mayroong pagtaas na umaabot sa P4.62 sa kada litro.
Naging epektibo ang taas presyo kaninang ala-6 ng umaga.
Isa sa mga naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis ay ang patuloy na kaguluhan na naganap sa Gitnang Silangan.
-- ADVERTISEMENT --











