Asahan muli ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay kasunod ng dalawang beses na pagpapatupad ng malakihang umento sa presyo ng langis ng dalawang beses sa huling bahagi ng nakalipas na buwan.
Ayon kay Energy Oil Industry Management Bureau Rino Abad, inaasahang magkakaroon ng rollback na mahigit P1 kada litro sa gasolina, habang nasa P0.50 kada litro naman ang inaasahang magiging tapyas sa diesel.
Sa kerosene naman, inaasahang magkakaroon ng bawas presyo na P0.80 kada litro.
Ito ay base pa lamang sa international petroleum trading sa nakalipas na apat na araw at maaari pang magbago base sa trading ngayong araw ng Biyernes.
Iniuugnay pa rin ang pagbaba ng presyo ng langis sa patuloy na pinaiiral na ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.
Inaasahan na iaanunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang opisyal na presyo sa araw ng Lunes at magiging epektibo sa araw ng Martes, Hulyo 8.