-- ADVERTISEMENT --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P1.70 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang P2.70 na pagtaas sa kada litro ng diesel.
Habang ang kerosene ay nagtaas ng P2.10 sa kada litro.
Itinuturong dahilan ng Department of Energy na ang dahilan ng pagtaas ay dahil sa panibagong sanctions na ipinatupad ng US sa dalawang malalaking oil companies ng Russia.
-- ADVERTISEMENT --
    
    
    
	
		
			









