-- ADVERTISEMENT --

Pinabulaanan ni House Deputy Majority Leader Zia Alonto Adiong ang mga alingasngas ng kudeta sa Kamara.

Ayon kay Adiong, walang banta sa pamumuno ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

Giit niya, nais lamang ng mga kritiko na magdulot ng dibisyon sa hanay ng mga mambabatas.

Dagdag pa ni Adiong, maayos ang istilo ng pamumuno ni Dy III sa Kamara.
Si Dy III ay nahalal bilang Speaker noong Setyembre 2025 matapos magbitiw si Ferdinand Martin Romualdez.

Isa sa kanyang pangunahing adyenda ang paggamit ng blockchain at paperless system para sa transparency sa budget.

-- ADVERTISEMENT --

Layunin ni Dy III na ibalik ang tiwala ng publiko sa Kongreso sa pamamagitan ng reporma at modernisasyon.