Nagpasalamat si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa Chinese Embassy sa Maynila sa aniya’y isang “pag-amin” na may makatarungang karapatan ang Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), habang mariin niyang itinanggi ang pag-aangkin ng Beijing sa halos buong disputed waters.
“Thank you China Embassy for admitting the Philippines does have a rightful claim. Yes we do. No, you do not,” pahayag ni Pangilinan, habang binibigyang-diin ang posisyon ng Pilipinas na sinusuportahan ng international law at ng 2016 arbitral ruling, na patuloy umanong tinatanggihan ng China.
Ang pahayag ni Pangilinan ay kasunod ng nauna niyang pagkondena sa military drills ng China sa paligid ng Taiwan, na ayon sa kanya ay nagdulot ng tensyon sa rehiyon.
Nagbabala rin ang Senador na hindi maaaring itayo ang kapayapaan sa pamamagitan ng banta o pananakot.











