-- ADVERTISEMENT --

Kumitil na ng apat na katao ang pamamaril at panununog sa Church of Jesus Christ of Latter-day Saints sa Grand Blanc Township, Michigan.

Walong iba pang indibidwal naman ang nasugatan sa krimen na tinawag ng Federal Bureau of Investigation (FBI) bilang isang “act of targeted violence”.

Natukoy na ang suspek sa krimen na si Thomans Jacob Sanford, 40 anyos mula sa karatig na siyudad ng Burton, na napatay din matapos makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa may car park ng simbahan. Naapula na rin ang apoy.

Subalit, blangko pa rin ang mga awtoridad sa motibo ng gunman sa krimen.

Una rito, ayon sa mga awtoridad, binangga ng gunman ang sasakyan nito sa bukana ng simbahan habang isinasagawa ang church service, saka namaril at intensiyonal na sinunog ang simbahan gamit ang gasolina.

-- ADVERTISEMENT --

Kinondena naman ni US President Donald Trump ang pag-atake na tinawag niyang “kakila-kilabot”.