-- ADVERTISEMENT --

Ibinunyag ng Malacañang na wala silang alam kung saan ang kinaroroonan ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na ang pinakahuling travel authorization na ibinigay sa Bise Presidente ay sa kaniyang biyahe sa South Korea at sa the Netherlands.

Subalit sinabi ni Castro, na mayroon itong nakuhang impormasyon na nagpaplano ang Bise na bumiyahe sa Kuwait na noong mga nagdaang linggo ay inanunsiyo din ito ni Duterte.

Hinihintay pa ng Office of the President ang request na travel authority na isusumite ni Duterte.

Magugunitang noong Hulyo 28 ng dumating sa bansa ang Bise Presidente mula sa biyahe niya sa South Korea.

-- ADVERTISEMENT --

Nitong Hulyo 29 hanggang 31 ay nasa Marinduque ang Bise Presidente na namahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo at habaga.