Ipinagtanggol ng Malacañang ang pagkakatalaga ni dating Senador Manny Pacquiao bilang bagong lead convenor ng National Anti-Poverty Commission, dahil sa kaniyang personal na karanasan sa kahirapan at matagal nang pagtulong sa mga mahihirap.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kabilang sa naging konsiderasyon sa pagpili kay Pacquiao ang kaniyang pagiging pamilyar sa kalagayan ng mga nasa laylayan ng lipunan at ang hangarin niyang makatulong sa mga nangangailangan.
Nanumpa na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Pacquiao bilang NAPC Secretary at lead convenor.
Pangunahing tungkulin ng ahensya ang pag-uugnay ng mga polisiya at programa ng pamahalaan para sa poverty reduction, partikular para sa basic sectors.
Pinalitan ni Pacquiao si Lope Santos III bilang national anti-poverty commission lead convenor.
Ayon kay Castro, walang ibinigay na dahilan ang Malacañang sa naging pagbabago sa pamunuan ng komisyon.










