-- ADVERTISEMENT --

Iniutos ng Palasyo ng Malacañang sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang agarang pagpapatupad ng 2024 National Disaster Response Plan (NDRP) na naglalaman ng mga komprehensibong estratehiya para sa disaster risk reduction upang iligtas ang buhay, magbigay ng mabilis na tulong, at mabawasan ang pinsala ng mga kalamidad.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 100, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin noong Setyembre 23, 2025, inatasan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pamamagitan ng Office of Civil Defense (OCD) na manguna sa pagpapatupad ng NDRP.

Dagdag pa sa kautusan, inatasan ang mga kinauukulang ahensya na isagawa ang mga hakbang alinsunod sa kanilang mandato upang suportahan ang pagpapatupad ng mga plano at programang nakapaloob sa 2024 NDRP.

Ipinag-utos din ng MC 100 ang mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng Presidential Communications Office (PCO) at OCD para sa malawakang pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa 2024 NDRP sa lahat ng kinauukulang ahensya at tanggapan ng pamahalaan.

Nauna nang inirerekomenda ng NDRRMC ang pag-aadopt ng 2024 National Disaster Response Plan (NDRP), na layuning Protektahan ang buhay ng mamamayan, Magbigay ng agarang tulong sa mga apektadong komunidad, at bawasan ang epekto ng mga emerhensiya sa pamamagitan ng maayos at epektibong disaster response at early recovery operations.

-- ADVERTISEMENT --