Hinimok ng Malacañang si Vice President Sara Duterte na dumalo sa bicameral conference committee meeting upang masuri ang mga pagdududa niya sa paggamit ng panukalang 2027 national budget.
Nauna nang kinuwestiyon ni Duterte kung ginagamit ang budget bilang panggigipit sa mga senador na magsisilbing hukom sa impeachment trial at gantimpala sa mga mambabatas na bumoto pabor sa impeachment sa House of Representatives.
Ayon sa Malacañang, wala umanong inilatag na ebidensiya ang bise presidente upang suportahan ang kaniyang mga alegasyon. Binigyang-diin din niyang Kongreso ang may kapangyarihang maglaan ng pondo ng pamahalaan.
Samantala, nagpahayag si Senate Finance Committee Chairperson JV Ejercito ng pangamba sa nabawasang pondo para sa kalusugan, transportasyon at iba pang mahahalagang programa sa bersiyon ng budget ng Kamara. Tiniyak naman ng Palasyo na mahigpit na babantayan ang pagpapatupad ng 2027 budget.










