-- ADVERTISEMENT --

Binuksan ng Palasyo ng Malakanyang ang Kalayaan grounds ngayong araw para ipagdiriwang ang ika-68th Birthday ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Isang salo- salo ang inihanda ng Palasyo para sa ating mga kababayan na nakiisa sa pagdiriwang.

Ibat ibang pagkain at inumin ang inihanda kung saan talagang nag enjoy ang lahat hindi lamang ang mga bata.

Nais ibahagi ni Pangulong Marcos sa publiko ang kaniyang espesyal na araw.

Dinumog si Pangulong Marcos ng mga tao ng dumating sa venue sakay sa isang golf cart kasa si First Lady Liza Marcos.

-- ADVERTISEMENT --

Ang Salo-salo sa Palasyo naging taunang tradisyon na rin ng Marcos Jr administration na sumasagisag ng pagiging bukas, pasasalamat, at ang patuloy na ugnayan sa pagitan ng Pangulo at ng mga mamamayang kanyang pinaglilingkuran.

Sa kabilang dako, hindi rin nagbabago ang birthday wish ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Presidente mula noon hanggang ngayon, iisa lang ang kanyang hangarin, ito ay ang magkaroon ng maayos na buhay ang bawat Pilipino.

Kasama rito ang pagpapatuloy ng mga proyekto ng pamahalaan na tutulong lalo na sa mga mahihirap.

Desidido rin daw syang abutin ang kanyang pangarap na matuldukan ang kagutuman sa bansa.

Magdiriwang ang Punong Ehekutibo ng kanyang ika-68th birthday sa September 13, 2025 bukas.