-- ADVERTISEMENT --
Ayaw ng bigyan ng kulay ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang ginawang pakikipagkamay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kay Chinese President Xi Jinping.
Nangyari ito sa pagdalo nila sa Asia-Pacific Economic Cooperation (Apec) summit na ginanap sa South Korea.
Sinabi nito na walang pagbabago ang security policy ng Marcos Administration.
Dagdag pa ng kalihim na ang trabaho nila ay para ipursige ang pagiging matatag ng Pilipinas at sundin ang international law.
Giit nito na isang personal gesture lamang ito ng Pangulo kay Chinese President Xi habang hindi nagbabago ang kanilang polisiya.
-- ADVERTISEMENT --











