Napapanahon ang naging desisyon ng Office of the Ombudsman na muling buksan sa publiko ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno.
Ito ang naging pahayag ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito, kung saan sinabi niyang hangad ng taumbayan ang transparency sa gitna ng umano’y korapsyon na kinahaharap ng gobyerno.
Bagamat muling binuksan sa publiko ang SALN, iminungkahi ng senador na huwag na lamang isapubliko ang mga mahahalagang impormasyon kaugnay sa security issues para na rin sa kaligtasan ng pamilya.
Welcome rin para kay Senador Kiko Pangilinan ang desisyong muling buksan ang SALN ng mga opisyal ng gobyerno.
Paliwanag ng senador, klaro sa batas ang pagsasapubliko ng SALN.
Ipinahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na ayon sa isang simpleng panuntunan, may karapatan ang publiko na malaman kung saan nagmumula ang yaman ng mga opisyal ng gobyerno.