-- ADVERTISEMENT --
Target ngayon ng pamunuan ng Department of Agriculture na paramihin ang produksyon ng sili sa bansa.
Layon ng hakbang na ito na mapigilan ang patuloy na pagsirit ng presyo nito sa merkado.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., plano ng ahensya na patatagin ang taniman ng sili sa Pilipinas laban sa pabago-bagong klima na siyang nakakaapekto sa produksyon nito.
Aminado ang kalihim na tumataas ang presyo ng sili kapag mayroong kalamidad o malalakas na pag-ulan.
Ito ay nakakaapekto naman sa suplay ng sili dahilan para tumaas ang presyo nito sa mga pamilihan.
-- ADVERTISEMENT --
Kung maaalala, noong nakalipas na taom, sumampa sa ₱800 ang presyo ng isang kilo ng siling labuyo dulot ng sunod-sunod na kalamidad.











