-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ng defense team ni Vice President Sara Duterte na hindi ilalantad sa publiko ang sinumang gumagamit ng alyas na “Mary Grace Piattos” sakaling matuloy ang impeachment trial laban sa ikalawang Pangulo.

Sa isang panayam sinabi ni defense spokesperson Michael Poa na kailangan nilang maging maingat sa paglalantad ng impormasyong may kaugnayan sa confidential funds, lalo na kung intelligence personnel umano ang posibleng sangkot.

Ayon pa sa kanya, maglalagay din daw ito ng kapahamakan sa mga kasalukuyang inteligence operation.

Kung maaalala ang “Mary Grace Piattos,” ay kabilang sa mga isyung binanggit sa mga reklamong impeachment na inihain laban sa Bise Presidente, kaugnay ng umano’y maling paggamit ng confidential funds.

Bukod dito tiniyak naman ng defense team ni VP Sara na handa silang sagutin ang mga paratang, ngunit iginiit na nasa mga nagrereklamo ang responsibilidad na patunayan ang umano’y katiwalian.

-- ADVERTISEMENT --