-- ADVERTISEMENT --

Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakararanas ng paghina ang ekonomiya ng bansa. 

Bumagsak kamakailan ang piso sa pinakamababang halaga nito sa kasaysayan, bumagal ang paglago ng ekonomiya sa 4% para sa ikatlong quarter, at muling bumalik sa antas ng pandemya ang stock market.

Sa panayam, sinabi ng Pangulo na ang pagbaba ng ekonomiya ay hindi lamang dulot ng mga isyung pulitikal kundi ng iba’t ibang salik gaya ng mga bagyo at epekto ng climate change, na nagdulot ng pagkawala ng maraming araw ng trabaho at operasyon sa iba’t ibang sektor.

Binigyang-diin din ng Pangulo na may mga hakbang na ginagawa ang pamahalaan upang maibalik ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan at mapaigting ang paglago ng ekonomiya.

Dagdag pa ng Pangulo, nananatiling matatag ang gobyerno sa layuning maibangon muli ang ekonomiya at masiguro ang tuloy-tuloy na pag-unlad sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --