-- ADVERTISEMENT --

Ipinahayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na prayoridad ngayong ng Israel ang pagbuwag sa impluwensya ng Hezbollah sa Lebanon, kasabay ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Sa gitna ng patuloy na tensyon sa rehiyon, sinabi ni Netanyahu na nakatuon ang Israeli forces sa Bint Jbeil, na tinawag niyang pangunahing kuta ng Hezbollah sa southern Lebanon.

“We are, in ​effect, about ​to eliminate this ⁠great stronghold of Hezbollah,” ani Netanyahu

Ang sigalot sa pagitan ng Israel at Hezbollah na kilalang sinusuportahan ng Iran ay muling lumala matapos ang military operations ng U.S.-Israeli strikes laban sa Iran noong Pebrero 28, na umano’y nagpasiklab ng mas malawak na digmaan sa Middle East.

Kasabay nito, inilahad din ni Netanyahu na patuloy ang koordinasyon ng Israel at Estados Unidos sa usapin ng Iran, kabilang ang pag-aalis ng enriched nuclear material at pagbibigay ng limitasyon sa nuclear capabilities ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi rin niya na hindi pa tiyak ang magiging takbo ng sitwasyon ngunit handa ang Israel sa anumang posibleng senaryo sakaling muling sumiklab ang mas malawak na digmaan sa rehiyon.