Inihayag ng Bureau of Customs (BOC) na ginamit ang isang “elaborate method of cheating the government” sa pag-angkat ng ilang luxury cars ng contractors na sina Sarah at Curlee Discaya, na sangkot sa flood control controversy.
Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, ang mga sasakyan ay pumasok walang import entries at tamang certificates of payment, at ginamitan ng modus para mahirapang matunton, kabilang ang pagbili ng certificate sa ibang port at pagtamper ng x-ray images para bumaba ang valuation. Lumalabas na may kolaborasyon sa ilang opisyal sa Cebu, Davao, at Batangas.
Sa 30 luxury vehicles, 17 ang binili mula sa regular dealers ngunit hindi pinakawalan dahil sa posibleng ill-gotten wealth. Naglabas na ang BOC ng show cause orders laban sa higit 10 personnel, nagsasagawa ng internal investigation, at nagpatibay sa digitalization at transparency sa operasyon











