Maaaring magpatuloy hanggang anim na buwan ang kasalukuyang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Inilarawan ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol ang kasalukuyang aktibidad bilang “quiet eruption,” kung saan naglalabas ang bulkan ng abo at gas, ngunit wala pang lava flow na naobserbahan.
Noong 2023, lumitaw ang lava matapos ang ilang araw at umabot sa higit tatlong kilometro bago humupa ang aktibidad.
Sa ngayon, nasa 3,000 residente ang nasa loob ng anim-kilometrong permanent danger zone (PDZ) ang nailikas, ngunit may ilan pa ring naiwan dahil sa kanilang kabuhayan o iba pang dahilan.
Nagbigay babala naman ang mga awtoridad sa mga residente na agad mag-evacuate kung umuulan ng malakas, kahit walang lahar advisory, dahil ang mudflows ay maaaring umagos sa mga ilog lampas sa PDZ.
Patuloy na minomonitor ng ahensya ang naturang bulkan na nasa alert level 4 na maaaring magdulot ng mga ilang volcanic earthquakes.











