Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sang “Oplan Paskong Sigurado”, isang kampanya upang tiyakin na walang Pilipinong mabibiktima ng online scam ngayong Pasko.
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, alinsunod ito sa utos ng Pangulo na maging ligtas ang mga mamamayan sa mga online transaction ngayong holiday season. Nakikipagtulungan ang DICT sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mga banko, at law enforcement agencies upang matiyak ang ligtas at matiwasay na paggamit ng e-commerce at e-payment platforms.
Kasabay nito, nilinaw ng DICT na walang naganap na data breach sa GCash matapos kumalat ang mga ulat sa social media.
Sinabi ni Aguda na kaagad na nagkaroon ng koordinasyon ang DICT, National Privacy Commission (NPC), Cyber Investigation and Coordination Center (CICC) at GCash upang beripikahin ang balita.
Ayon kay Aguda, lumabas sa imbestigasyon na fake news ang kumalat na ulat at walang dapat ipangamba ang publiko.
Pahayag ng Kalihim sa publiko ituloy lamang ang online transactions at maging maingat para sa isang ligtas at masayang Pasko.











