-- ADVERTISEMENT --

Isinasama na ngayon ng Office of the Ombudsman sa kanilang mga iniimbestigahan ukol sa isyu ng korapsyon sa flood control ang kasalukuyang lider ng bansa na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon mismo kay Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang lahat ng mga indibidwal na idinawit ni former Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co ay kanilang di’ isinasantabing matingnan.

Ito ang naging pagtitiyak ng Ombudsman kasunod ng pagharap sa publiko ni Zaldy Co sa pamamagitan ng ilang ‘online video contents’.

Bukod kay Pangulong Marcos Jr, kabilang rin sa kanyang mga isinawalat na umano’y sangkot ay sina former House Speaker Martin Romualdez, resigned Budget Secretary Amenah Pangandaman, at former Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Adrian Bersamin.

Kung kaya’t dahil rito’y ani Ombudsman Remulla, ang mga nabanggit na indibidwal kasama ang presidente ay kanilang iimbestigahan.

Mayroon aniya na raw ‘motu proprio investigation’ ang tanggapan para dito upang masuri ang mga alegasyon o paratang ni Zaldy Co.

-- ADVERTISEMENT --

Ngunit giit naman niya na ‘illogical’ na maituturing na nakinabang umano ang Pangulo mula sa sinsabing bilyun-bilyong halaga ng ‘budget insertions’.

Sa kabila nito hamon naman ni Ombudsman Remulla kay former Congressman Zaldy Co na bumalik ito sa Pilipinas.

Dapat aniyang umuwi ang dating mambabatas upang panumpaan ang kanyang salaysay nagdadawit maging kay Pangulong Marcos Jr.

Habang patungkol naman sa kung anong kaso ang posibleng kaharapin ng Pangulo tulad ng ‘gross negligence’, ayon sa Ombudsman ay di’ pa napapanahon para ito’y mapag-usapan.

Samantala, sa isinampang mga kasong malversation, graft at conflict of interest laban kay Zaldy Co at iba pa, isinagawa na ngayong araw (ika-19 ng Nobyembre) ang pag-raffle sa mga ito kung anong dibisyon ng Sandiganbayan ang hahawak.

Sa special raffle na ginanap, ang unang kasong paglabag sa Section 3(e) ng RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ay naibahagi sa ikalimang dibisyon.

Ang malversation case naman ay naitalaga sa 6th Division habang hahawakan naman ng ika-pitong dibisyon ang partikular na kasong graft o ang conflict of interest case kinakaharap ni Zaldy Co.