-- ADVERTISEMENT --
Tiniyak ng Office of the Ombudsman na handa silang magbigay ng seguridad kay dating Ako Bicol Party-List Representative Zaldy Co sakaling magpasya itong umuwi sa bansa.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, na walang katotohanan na nakauwi na sa Pilipinas ang dating mambabatas.
Isa umanong uri ng psywar ang nagpapakalat ng balita na nasa Pilipinas si Co.
Mas nais pa ni Remulla na makauwi na si Co para masagot nito ang lahat ng mga bintang sa kaniya.
Magugunitang ibinunyag ni Co na mayroong nais na pumatay sa kaniya matapos na isiwalat ang mga sangkot sa anomalya sa flood control projects.
-- ADVERTISEMENT --











