-- ADVERTISEMENT --
Epektibo sa Martes, Marso 3, 2026, muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Ayon sa paunang pagtataya, ang gasolina ay madaragdagan ng P1.70 hanggang P2.00 kada litro, ang diesel ay tataas ng P1.00 hanggang P1.30 kada litro, habang ang kerosene ay magmamahal ng P1.30 hanggang P1.50 kada litro.
Iaanunsyo naman ng mga kompanya ng langis ang pinal at opisyal na pagbabago sa presyo sa Lunes, Marso 2, 2026.
Pinapayuhan ang mga motorista na magplano nang maaga at magpakarga na bago pa man ipatupad ang dagdag-presyo upang makaiwas sa dagsa ng tao at mas mataas na gastos.











