-- ADVERTISEMENT --
Muli na namang haharap ang mga motorista sa dagdag-presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo matapos mag-anunsyo ang ilang kompanya ng panibagong oil price hike mula sa ika-anim na sunod na linggo para sa gasolina at ika-walo naman para sa diesel at kerosene.
Maglalaro ang presyo sa mga sumusunod:
Gasoline: P1.20 kada litro
Diesel: P0.60 kada litro
Kerosene: P0.60 kada litro
Epektibo ang price adjustments simula alas-6 ng umaga sa Martes, Pebrero 17.
Nauna nang sinabi ng Department of Energy–Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) na posibleng magkaroon ng panibagong pagtaas ngayong linggo.
Kabilang sa mga binanggit na dahilan ang banta ng pagkaantala ng suplay sa Strait of Hormuz at ang kawalan ng katiyakan sa usapin ng Iran nuclear talks.
-- ADVERTISEMENT --











