-- ADVERTISEMENT --
Tiniyak ng gobyerno na sapat ang pondo para sa pagtugon sa mga kalamidad hanggang 2025.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Junie Castillo, bago pa man ang mga lindol at bagyo, napunan na ang Quick Response Fund (QRF) alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaya hindi inaasahan ang kakulangan.
Dagdag pa niya, may mga mekanismo rin na maaaring gamitin ang Pangulo upang madagdagan ang pondo kung kinakailangan.
Nauna nang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang higit ₱700 milyon para sa disaster fund.
Kaya, sa kasalukuyan, sapat ang pondo at may mga paraan upang mapunan ito kung maubos.
-- ADVERTISEMENT --











