-- ADVERTISEMENT --
Umatras na sa paglalaro sa Miami Open si six-time champion Novak Djokovic.
Ayon sa organizers na iniinda pa rin nito ang injury sa kaniyang kanang balikat.
Noong nakaraang taon ay umabot pa sa finals ng Miami Open ang Serbian tennis bago tinalo ni Jakub Mensik ng Czech Republic.
Huling laro nito ay sa BNP Paribas Open kung saan umabot siya ng ikaapat na round hanggang mabigo siya kay Jack Draper.
Nagwagi ang 38-anyos sa Miami Open ng limang beses mula 2011 hanggang 2016 kung saan dito ay tinalo niya sina Andy Murray at Rafael Nadal.
-- ADVERTISEMENT --











