Seismograph with paper in action and earthquake - 3D Rendering
-- ADVERTISEMENT --

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Mendocino County sa northern California nitong Miyerkules, ayon sa U.S. Geological Survey (USGS).

Naitala ang epicenter ng lindol sa humigit-kumulang 11 kilometro hilaga ng Redwood Valley, na may lalim na 8.1 kilometro.

Ayon sa report, wala pang naitatalang pinsala o sugatan sa insidente, at maging sa San Francisco Bay Area na nasa humigit-kumulang 240 kilometro mula sa epicenter ay walang nakaramdam ng pagyanig.

Sinabi rin ng tanggapan ni California Governor Gavin Newsom na naipaalam na niya na ang insidente at kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa mga emergency officials para sa patuloy na assessment ng posibleng epekto at pinsala ng lindol