-- ADVERTISEMENT --

Nagsagawa ang North Korea ng “firepower attack drill” gamit ang long-range artillery at missiles, ayon sa state media nitong Lunes.

Ayon sa Korean Central News Agency o KCNA, isinagawa ang military drill noong Sabado at lumahok ang mga pinagsanib na yunit ng Korean People’s Army.

Nauna nang iniulat ng South Korea na nagpaputok ang North Korea ng ilang ballistic missiles mula sa Wonsan patungo sa East Sea o Sea of Japan.

Ayon sa KCNA, kabilang sa ginamit sa drill ang attack drones, tactical cruise missiles, multiple rocket launchers at tactical ballistic missiles.

Iginiit ng North Korean state media na nagpakita ang mga armas ng malaking destructive power at 100 porsyentong accuracy sa pagtama sa mga target.

-- ADVERTISEMENT --