-- ADVERTISEMENT --

Nilinis ng dalawang tauhan ni North Korean leader Kim Jong Un ang silid matapos ang mahigit dalawang oras na pagpupulong kay Russian President Vladimir Putin sa Beijing ayon sa Kremlin local news.

Bukod dito nilinis din umano ang silyang ginamit ni Kim mula sa sandalan hanggang sa armrest ng upaan pati na rin ang mesa at basong ininuman nito. Kaagad ding tinanggal ang anumang bagay na maaaring mag-iwan ng bakas ng kanyang presensya sa naturang silid.

Ayon sa mga intelligence report mula sa Japan at South Korea, dala rin ni Kim ang sarili niyang palikuran sa tren upang maiwasan ang pagkolekta ng impormasyon tungkol sa kanyang kalusugan.

Ang ganitong mga hakbang ay matagal nang bahagi ng seguridad ni Kim, maging noong panahon ng kanyang ama na si Kim Jong Il.

Layunin nitong hadlangan ang sinumang makakuha ng biological sample na maaaring magbunyag ng sensitibong impormasyon sa isang lider ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid noong mga nakaraang biyahe ni Kim sa ibang bansa, ilang ulit na rin siyang namataang pinapalinis muna ang mga gamit bago ito upuan o galawin.