Sinimulan na ni dating four-division world boxing champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr ang puspusang ensayo nito para sa nalalapit ng world title fight nito.
Kasama ng kaniyang pamilya ay dumating si Donaire sa Mactan, Cebu para sa matinding ensayo.
Nakatakda kasing labanan ng 43-anyos na si Donaire si Seiya Tsutsumi ng Japan sa Disyembre 17 na gaganapin ito sa Tokyo, Japan.
Sakaling magwagi, siya ang magiging pangatlong pinakamatandang boksingero na makuha ang world title.
Ang 29-anyos na Japanese boxer ay wala pang talo sa 12 na laban na may tatlong draws at walong knockouts.
Habang si Donaire ay mayroong 43 panalo, walong talo at 28 knockouts.
Unang itinakda ang laban ng Japanese boxer kay Antonio Vargas ng US kung saan elevated ng full champion status ng WBA interim ito dahil sa pagiging hindi aktibo ni Tsutsumi.
Umatras si Vargas sa laban sa Japanes boxer dahil sa pagpanaw ng ina kaya napili si Donaire para pumalit.











