-- ADVERTISEMENT --

Nagbigay ng kasiguraduhan ang National Food Authority (NFA) sa mga magsasaka na ang floor price ng pagbili ng mga palay ay hindi na bababa ng single-digit levels.

Sinabi ni NFA Administrator Larry del Rosario Lacson, na kanilang papanatilihin ang pagbili sa mataas na presyo para sa mga de kalidad na mga palay kahit na may ulat na bumaba sa P6.00 kada kilo ang presyo ng palay sa ibang mga probinsiya.

Giit pa ni Lacson na nais nilang tulungan ang mga magsasaka kaya hindi maaring bumaba pa sa P10.00 ang presyo ng kada kilo ng palay.

Base sa mga presyo ay umaabot ng P17 hanggang P23 kada kilo ang mga basang mga palay habang ang malinis at dry play ay aabot ng P23 kada kilo.

-- ADVERTISEMENT --

Ang mga palay naman na naapektuhan ng bagyo ay bibilihin ng mas murang halaga na na hindi bababa sa P10 kada kilo.