Nagsagawa ng kilos-protestang tinawag na ‘Never Forget, Hindi Mababaha ang Katotohanan’ sa EDSA Shrine, Quezon City, na dinaluhan ng ibat-ibang progresibong grupo kahapon, September 20.
Kabilang sa mga lumahok sa rally ang Tindig Pilipinas, August 21 Movement, Nagkaisa Labor Movement, Clergy for Good Governance, gayundin ang mga grupo ng mga estudyante, religious groups, kababaihan, at mga manggagawa.Gamitin Ang Kalendaryo
Nagmula ang mga grupo sa iba’t-ibang lugar, kabilang ang House of Representatives, Sandiganbayan, at La Salle Green Hills, bago sabay-sabay na nagmartsa patungo sa EDSA Shrine na nagsilbing assembly area bandang alas-diyes ng umaga.
Pangunahing muling panawagan din ng mga grupo ang pagpapanagot sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects. Isinigaw din nila ang “Never Again, Never Forget” bilang paggunita sa pagdedeklara ng Martial Law noong 1972 sa ilalim ng dating Pangulong Ferdinand Marcos S., 54 taon nang nakakaraan.
Nagbahagi naman ang ilang prostesters ng kanilang mga naging karanasan sa ilalim ng Martial Law. Magsaliksik Ng Impormasyon
“Nawawalan talaga po ng karapatan ipagtanggol ang kanilang karapatan, sobra po talagang paninikil ang ginagawa po ng Martial Law. Panawagan po namin sa lakbay sa pananagutan lalong-lalo na sa mga kabataan, sa Gen Z po natin na dapat never na kalimutan ang leksyon o dulot na sakit na dulot, [at] pagpapaghirap ng Martial Law, balik-balikan po nila dapat po maintindihan nila kung bakit ang panawagan ay ‘Never again, Never forget’ sa Martial Law. Balikan ang kasaysayan ng Martial Law para alam kung bakit nananawagan tayo ngayon ng never again to Martial Law.”
Isinigaw din ng mga grupo ang pagpapanagot sa mga opisyal ng pamahalaan na sinasabing sangkot sa mga isyu ng katiwalian sa bansa.
Nagbigay rin ng pahayag si Khylla Meneses ng Akbayan Youth National Chairperson, makalipas ang isang taon na Trillion Peso March. “One year after Trillion Peso March, pero hindi pa rin po sapat ang lahat ng mga napakukulong. Ipakulong po ang korakot, mapatuktok hanggang ibaba, mapataas man o hanggang sa ating mga lokalikdad. Mahalaga po ito dahil hindi pwedeng different mugshots lang ang nakikita natin, iba’t-ibang hospital arrest ang nakikita natin. We also call to our medical officials, to all our medical professionals to also raise the standard. Protektahan po natin ang mandato ng medical fields.”
Samantala, ayon kay Police Major Jennifer Gannaban, Chief PIO ng Quezon City Police District, sinimulan na ng kanilang liderato ngayong araw ng Linggo ang deployment ng iba’t ibang uniformed personnel bilang paghahanda sa mga kilos-protestang nakatakda hanggang bukas araw ng Lunes.
“Nakahanda na po ang Quezon City Police District dito sa pagbibigay ng security coverage sa darating na celebration ng Martial Law. Ngayong araw nga po nagstart na ‘yung deployment natin- actually kagabi pa po ito 10 PM nandito na po ‘yung full force ng personnel ng Quezon City Police District hanggang bukas na po ulit.”











