Dalawang Major Jailbreak ang naitala sa pitong bilangguan sa Nepal kung saan nasa higit labing tatlong libo na bilanggo ang nakatakas at limang libo dito ay mula sa Kathmandu.
Ito ay matapos na sugurin ng Gen z protesters ang mga bilangguan na naging daan para tumakas ang mga bilanggo habang siyam na Juvenile ang naiatalang nasawi matapos maipit sa kaguluhan habang tumatakas.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Vanessa Villegas mula Kathmandu, sinabi niya na sa ngayon stable na ang kondisyon doon.
Sa kasalukuyan ay tinatalakay na ang ilang pagbabago at ang pagpili ng Gen Z ng kanilang kinatawan sa Interim Government.
Ilan sa napipisil ay ang Dating Chief Justice na si Sushila Karki at Kathmandu Mayor Balendra Sha.
Sa ngyaon Nepal Army ang nag take over sa seguridad sa buong Nepal matapos magbitiw na sa pwesto si Prime Minister sharma Oli.
Para mapanatili ang kaayusan inihayag ng Nepali Army ang pagpapatupad ng Crufew Hours mula sa 11am hanggang 5pm habang pinapayagan naman ang paglabas mula 6am hanggang 10am at 5pm to 7pm.
Kailangan dalhin ng mga residente ang kanilang Identification cards kung lalabas ng bahay dahil sa maraming mga militar ang nagsasagawa ng checkpoints.
Balik operasyon narin ngayon ang Tribhuvan International Airport (TIA) matapos itong magshut down dahil sa kaguluhan.
Nagbigay rin ang suporta sa mga mangagawa ang pinapasukan niyang kumpaniya para sa kanilang psycho-social support.
Matatandaan na sumiklab ang kaguluhan matapos masawi ang labing siyam na kabataan matapos umanong gumamit ng live ammunition ang ilang pulis at militar kapalit ng rubber bullets.
Nasundan pa ito ng mga riots noong Martes hanggang sa sunugin na ng mga Gen Z ang major Government Offices sa Main Palace kabilang ang Legislative building, Judiciary at Executive building maging bahay ng mga tiwaling opisyal ng Gobyerno doon kabilang ang mga paaralan na affiliated ang mga nasabing opsiyal.
Sinunog din ng mga protesters ang mga Police Stations at Fire Brigades matapos na ilan sa mga Gen Z ang gumamit na ng armas at baril.
Dahil dito ay nagkaroon ng mga ulat ng loothing, pang haharrast, panloloob at pananakot.
Napilitan ding magsara ang Tribhuvan International Airport (TIA) matapos na sumugod din doon ang mga protesters dahil sa pag evacuate ng mga pinuno kabilang si Dating Prime Minister Oli.