-- ADVERTISEMENT --

Nag-anunsyo si Prime Minister Balendra Sha na isasagawa ang National Day of Mourning sa September 7, bilang ito na ang ika-13 araw matapos ang mapaminsalang baha na tumama sa Nepal-Tibet border noong Agosto sa kasalukuyang taon.

Ayon sa Hindi Tradition ang ika-13th day ang pagtatapos ng mourning period. Ayon sa paniniwala at tradisyon, ang seremonya ay tinatawag na Shraddha kung saan ito ay sumisimbolo ng huling ritwal upang palayain na ang kaluluwa ng mga nasawi sa kaugnayan nito sa mundo.

Tinatayang umabot na sa 1,259 ang bilang ng mga nasawi Nepal flash floods, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Authority ng Nepal.

Mula sa bilang na ito, tinatayang nasa 95 pa lamang ang natutukoy ang pagkakakilanlan at naibalik na sa kanilang mga pamilya.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, tinatayang nasa 4, 216 na indibidwal pa rin ang pinaghahanap magpahanggang sa ngayon, habang 7,500 naman na kabahayan ang nasira matapos ang trahedya.