Pumanaw na si NBA great Lenny Wilkens na isang Hall of Famer bilang coach at player sa edad na 88.
Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya dahil sa matagal ng iniindang sakit.
Naglaor ito sa NBA sa loob ng 15 taon kung saan naging nine-time NBA All-Star at dalawang beses na nanguna sa assists.
Nagsilbi siyang player-coach sa apat na season kung saan tatlo sa Seattle Supersonics at isa naman sa Portland Trail Blazers.
Sa kabuuang 2,487 na laro kung saan ito naging coach at 1,332 dito ang kaniyang naipanalo na sumusunod kina Gregg Popovich at Don Nelson.
Nagwagi rin si Wilkens ng Olympic gold bilang coach noong 1996 US men’s team.
Isa si Wilkens sa limang mga nahalal bilang Hall of Fame na coach at player kasama sina John Wooden, Bill Sharman, Tom Heinsohn at Bill Russell.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang maraming mga players at coach ng NBA matapos mabalitaan ang pagpanaw ni Wilkens.











