-- ADVERTISEMENT --

Pumalo na sa 10 katao ang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Opong.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Officer-in-Charge Bernardo Alejandro, na ang nasabing napaulat na pagkasawi ay naitala sa Bicol Region at sa Eastern Visayas.

Kanilang ibiniberipikang mabuti ang pitong nasawi sa Region 8 at siyam na nawawala habang sa Rehiyon 5 ay mayroong tatlong nasawi at isa ang nawawala.

Tiniyak nito na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang monitoring at pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhang lugar.

Mayrong 12 milyong indibidwal ang naapektuhan at inaasahan nitong tataas pa ang nasabing bilang.

-- ADVERTISEMENT --

Nakahanda na ang kanilang mga air assets na siyang magbibigay sakaling may ilang lugar na mahirapang marating dahil sa pagbaha.

Magugunitang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaring lumabas na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Opong ngayong araw ng Sabado, Setyembre 27.