-- ADVERTISEMENT --

Pinangunahan nina ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at Kabataan Partylist Rep. Renee Co ang paghahain ng House Bill 2500 o National Minimum Wage Act.

Ayon sa mga mambabatas na binalewala ng nagdaang 19th Congress ang nasabing panukalang batas kaya muli nila itong inihain.

Nakasaad din sa probisyon ang pag-amyenda ng Labor Code at tanggalin na ang Regional Wage Board na papalitan ng National Wages and Productivity Board.

Sakaling maging batas na ay magiging P1,200 na ang minimum wage ng lahat ng mangagawa sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --