-- ADVERTISEMENT --

Natagpuan na ang nawawalang bride-to-be na si Sherra de Juan sa bayan ng Sison sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director Police Col. Randy Glenn Silvio, nakatanggap sila ng sumbong mula sa concern citizen na nakita nila ang babaeng hinahanap.

Agad na tinungo ng kapulisan kasama ang nobyo nitong si Mark Arjay Reyes at lalaking kapatid ni Sherra.

Dagdag pa ni Silvio na paiba-iba ang pahayag ng babae kaya hiniling ng kaanak nito ng privacy.

Magugunitang huling nakita si De Juan noong Disyembre 10 sa Commonwealth Avenue kung nagpaalam ito sa nobyo na bibili lamang ng sapatos na susuotin para sa kasal nila sa Disyembre 14.

-- ADVERTISEMENT --